sa dapit-hapon
mahiwagang buhay nakapagtataka
ngunit minsa’y nakakabalisa
maraming nagdaang alaala
bumabalik sa isang kisapmata
sa isang sulok pala ng isipan nakatago
pira-pirasong larawang ulit na bumubuo
sa isang salamin ng kahapon
datapwat sa tuwina’y tumutugon
kung saan ang lahat nagsimula’y
muling bumabalik sa dapit-hapon ng buhay
at kung bakit nasa tamang panahon ang lahat
isang malaking tanong sa muling pagkamulat.

Leave a Reply