araw ng pasko
dalawang libo at siyam
ang pinakamamahal kong dayari,
alas siete sinkwenta y seis na po ng gabi dito. medyo umuulan pa rin po sa labas. katunayan nga po ay umuulan halos ng buong araw. malamig pa rin po at medyo malakas pa ang hangin. preezing reyn ‘ika nga. sa wakas sa pagkalipas ng halos isang dekada ay nagkaroon na rin po ako nga isang araw na pahinga. opo. dey op po and tawag nila dito. sa katunayan nga po, an’ sarap sana pong matulog at mag pahinga lang ng buong araw subalit may mga dapat akong kailangan na gawin. hindi pupwede po na pa tamad tamad lang. sa isang banda medyo kailangang magpasikat ng konti sa isang babaeng aking kinamumuhian. kailangan ko pong ipakita na me alam din po ako sa mga trabahong pambahay. kasi po sya po ay sobrang matrabaho sa bahay. di pupwede na di dapat ituwid kung medyo di tuwid ang magnet sa kanyang reprigerator. ganyan po syang kabusisi. kaya eto, sa balak na gusto rin pong mag pasikat ay inilahad ko po ang buong araw ko ng pasko at ng pagpahinga sa pagaayos po lamang ng aking sariling silid at ng buong beysmen.
nag bakyum po ako. opo. tama po. linahat ko na po gamit ko ang bakyum pawder, ang buong beysmen saka ang hagdan. linabhan ko rin po ang aking syeets pati na rin po ang mga madumi kong damit. sira po ang aming wasing masin kaya kinamay ko na lang po lahat. nilinis ko na rin po ng maayos ang aking silid. punas dito’t punas doon at nag windeks rin po ako. inayos ko na rin po ang aking mga naka kalat na mga damit. isinaayos ko po ayon sa klase at sa kulay. ang mga kulay neyon green kong isyorts ay sinabay ko na po sa aking mga fusyang bakser shorts. talagang kulay pasko po ang aking mga paboritong kulay. bagay na bagay po kasi sa aking kutis ang mga kulay na ito.
sa ngayon po ay maayos na po ang aking silid. naka pag saing na rin po ako at naka pag hapunan na rin po. hinugasan ko na rin po ang mga dapat hugasan. iniligpit ko na rin po ang aking baon para sa kinabukasan. tapos na rin po akong mag shawer. medyo may kabangohan na po ako ngayon kasi gagong ligo nga po. subalit di po ako naka pag totbras. ayaw na ayaw ko kasi po yan eh. susubukan ko po ulit bukas baka pwede na po akong mag totbras bago po ako umalis puntang trabaho.
nakahiga na po ako ngayon at nilalasap ko na po ang mabango kong kama at bagong syeets. medyo maaliwalas na rin po ang aking silid kasi po naligpit na po at sobrang linis na rin po. sobrang kintab na ng aking sayd teble. aaminin ko, masarap din pala ang pakiramdam kung maayos ang nasa paligid mo. hayaan mo sa susunod na pasko aayusin ko ulit ang silid ko. framis po.
ang buong araw na pag lilinis at pagaayos ay di biro din pala. sa katunayan naka sampung taylenol ikstra istrent na po ako. kasi po magang-maga na po ang aking katawan. di na po ako makagalaw. mga daliri ko na lng po ang maka galaw sa ngayon. mabuti naman po at naka pag tayp pa po ako nito. lilinawin ko lang po, naka pikit na po ang aking mga mata habang nag tatayp po. medyo may konting pagpasikat na naman po pero iyan po kasi ang totoo. at wala talaga akong magawa dyan.
o sya na. kelangan ko na pong mag pahinga. sana ma basa po ito ng babaeng pinapasikatan ko at sana bumilib din naman sya sa aking nagawa sa araw na ito.
kita kits na lang po. ingat ha. pa kiss nga.
ang walang iba at walang katulad
na nagmamahal ng labis labis at walang humpay na magpapasikat sa ‘yo,
mookee
(this was supposed to be a private diary log. however a star found it a real classic and such a request to be immortalized just cant be denied. so here’s another one for the books. mga alaala sa mga unang araw ng suyu-an….)

Recent Comments